Nangyari ito February 1, 2012 Wednesday, mga 9:00 pm sa LRT Doroteo Jose Station.
Kakatapos lamang ng klase ko nuon. Nag-eLRT talaga ako pauwi para mabilis at dahil wagas kung makapag-hintay ng mga pasahero yung mga bus na papuntang Las Pinas.
Hmm, nakatayo ako nung nakasakay, pero maluwag naman di tulad pag rush hours.
Pumwesto ako dun sa may gitna ng dalawang bahagi ng tren, yung may goma? Ayun, at ayaw ko rin namang makipagsiksikan dun sa may bukana ng pinto. Ang luwag kaya sa gitna?! Makakalabas ka rin naman.
Anyways, nang dumaan yung tren sa may Carriedo, may lola na sumakay. Tumabi siya sa akin, pero umupo siya. (Nakatayo nga ako di ba?) Wala man lang nag-alok ng upuan sa kanya. Eh dapat nga priority yung mga upuan sa tabi ng pinto para sa mga matatanda, mga buntis at mga magulang na may dalang bata.
Medyo inaantok na rin ako kaya papikit pikit na rin ako nun. Nang biglang…may tinawagan sa phone ang lola niyo.
Aba! Inggleshera! Wala sa mukha niya! Kung titignan niyo kasi, ay isang tipikal na lola na sobrang payat na kulubot ang balat at ang mga gamit ay parang pinaglumaan na. Di mo talaga masasabing na may kaya. Ewan ko ba! Na-shock ako!
LOLA: Hello. Is our meeting on 15 ok?! What?! Its no good on 15? Why no?! Ok. Is the money ready already?! Your reimburse to Jane ha?
Where will we meet? No, I don’t like there at Jollibee Monumento. They are loko-loko there, naii-snatch ang cellphone ko.
And why are they saying that I am married to *insert name here* and to ganyan? No! Im not married! I AM SINGLE SINCE BIRTH!! I AM STILL A VIRGIN you know?! Ayusin niyo yan!

Grabe teh!!! Shock talaga ako. Tahimik sa LRT nuon dahil pagod na rin ang mga tao. At eto si lola teh!! Siya lang ang nagsasalita sa bahagi ng tren na yun teh! Max volume ang drama niya. Gusto pa talaga i-broadcast sa buong tren na VIRGIN PA SIYA TEH!!! Naloka talaga ako nun! Ilang beses ako tumingin kay lola kung siya ba yung nagsasalita. Grabe lang. Nasa 70s na siguro siya, based sa mukha niya. Naloka talaga ako.
Very clear ang diction and pronunciation!
“I AM SINGLE SINCE BIRTH! I AM STILL A VIRGIN!”
Oh my! That was the most awkward moment I have experienced at the LRT so far. You can see that people are smiling of the lola. And si lola, dedma lang.
Naku lola! Goodluck sa transaction mo! Go for it!

(Source: cpaitlogpugo)
-
smartphoneko liked this
-
cpaitlogpugo posted this
